How We Started...
About Us
The ONE is an e-zine which features the College of Communication (COC) of Polytechnic University of the Philippines. A continuous online publication updated every month covering events and people in and from the said college. The ONE will feature various achievements of COC, important events, notable alumni, and continuing development of the college and among others.
The College of Communication is indeed a great part of our lives. So, we decided to make the college our focus to not just promote it but also to show our gratitude towards the people behind it.
It all started with a course requirement but we decided to continue the publication in order to promote our college to a lot of people. Although we were all hesitant at first if we can make an e-zine because actually, we have little or no idea in building one. But we all did our best to learn and now we have ONE, our very first online magazine.
Objectives:
• To establish an online magazine that promotes an excellent institution like the College of Communication
• The ONE mag caters the outstanding performances and uncountable achievements of the COC. How it started its journey as the College of Champions and how it continues not only to be the source of knowledge but also the pillar of strength to the students.
• This aim targets to attract more students to indulge choosing COC as their stepping stone to achieving their dreams.
• To provide information to the online community about the greatness of the COC. This e-zine is overflowing with information including the most significant and latest happenings inside the campus. It involves first-hand information ranging from the historical events to everyday occasions the college celebrates. This serves as an overview of the COC.
• To show that “It’s more fun in COC”. This online magazine doesn’t just aim to inform but it also aims to entertain. It’s a full package of facts and fun. This provides knowledge and amusement all at the same time. Proving that COC is a happy place to be in, even without actually going there.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paano kami nagsimula...
Nagsimula ang lahat sa isang blangkong papel.
Sa buhay, hinding-hindi ka matututo kung hindi mo pagsisikapang pag-aralan ang isang bagay. Kahit pa sabihin mong mahirap, kung wala kang tiyaga, wala kang mapapala. Iyan ang unang-una naming natutunan bago mabuo ang publikasyong ito. Kakaunti lamang ang aming ideya, sa totoo lamang, nagsimula kami sa isang blangkong papel. Sinikap namin na pagtagpi-tagpiin ang kakaunti naming nalalaman upang makabuo ng larawan sa papel na walang sulat. Noong una’y hindi kami nagtagumpay na tulungan ang isa’t isa, hinayaan naming matalo kami ng aming mga kahinaan, nagturuan kami sa kung sino ang dapat na gumawa ng ganito at ganyan, hindi nagtiwala na kayang matuto sa pagtitiyaga at higit sa lahat, hindi namin napag-usapan ang lahat. Sa totoo lamang, hindi namin naitago ang pagkadismaya, pagkadismaya sa aming mga sarili. Ngunit anong magagawa kung sa pagkadapa’y hindi na tumayo? Wala. Nagising kami sa katotohanang hindi namin ito magagawa kung hindi kami magiging isa tulad ng pangalan ng aming publikasyon. Tumindig kaming muli, tinanggap ang mga pagkukulang at nagkaisa upang tanggapin ang responsibilidad na dapat ay nagampanan noong umpisa pa lamang. Marahil masyadong seryoso ang bahaging ito at ang dating ay parang isang rebolusyon ang aming sinuong ngunit kung wala ang mga pangyayaring iyon, hindi namin alam kung masusulatan pa namin ang blangkong papel sa aming harapan. Kung hindi kami kumilos, mananatiling walang sulat ang papel namin. Lahat naman ay nagsisimula sa blangkong papel, hindi man literal, lahat ng magagandang ideya ng mga magagaling na manunulat at mga arkitekto ay nagsimula sa malinis na mga papel. Lahat sila’y nagsikap na magsimula sa kahit kaunting ideya lang na hindi nila alam kung mapapalawak pa nila o hindi. Ang mahalaga sa amin ay nasimulan din namin at magkakaisa kaming tapusin ang aming nasimulan. Hindi na mahalaga kung magtagumpay o hindi, ang mahalaga’y ginawa namin ang lahat ng aming makakaya.
Sa isang papel na puno ng sulat kami magtatapos. Sulat na sumisimbolo ng aming kakayahan at talento. Papel na nagpapakita ng aming lubos na pagsisikap.