“Tatak COC!”
ni Kristella Mae Arciaga
‘Pag COCian maingay. Ganyan ang pagkakakilala ng marami sa mga taga-COC na tila ba kakambal na ng salitang COCian ang salitang madaldal o maingay. Isipin mo na lang, kung ang COC ay mayroong humigit-kumulang dalawang libong estudyante at lahat sila ay maiingay, nakakarindi ‘di ba?
Marahil sa isang banda ay may katotohanan ngunit sa likod ng kaingayan, kadaldalan at kung anu-ano pa ay may nakatagong nakakatuwang bagay na only in the COC! Narito ang ilang patunay na isa ka ngang tunay na COCian:
• 85 ang average grade mo sa English.
• Lagpas 90 ang score mo sa PUPCET.
• Nakikipila ka para sa Boom Shake na mabibili lang sa tindahan ni Ate Ninay.
• Nakatuntong ka na sa upuan ‘pag bibili kay Aling Rapunzel.
• Takot ka kay Ma’am Ramos.
• Alam mo ang amoy ng pabango ni Tatay kaya alam mo ‘pag paparating na siya.
• Alam mo kung nasaan ang button para i-eject ang Prof.
• Nakikipagpatintero ka sa lobby sa mga members ng Movers and Motions at Pep Squad.
• Immune ka na sa amoy ng septic tank.
• Kilala mo si Ate Miriam.
• Friends mo sa facebook ang mga professors.
• Kung babae ka, mas gusto mong mag-CR sa 2nd floor.
• Hindi ka lang basta maingay, kundi may laman.
Ang mga ito ay ilan lang sa mga kakatuwang bagay na naglalarawan sa isang COCian. Marahil mababaw lamang ang mga paglalarawang ito sa paningin ng ibang tao ngunit para sa isang COCian, higit pa sa lalim ng septic tank ang kahulugan ng mga ito. Naging parte na ang mga iyon ng aming mga buhay at isa rin sa mga dahilan kung bakit mananatiling nakaapak ang mga paa namin sa lupa.
Dahil minsan may isang kolehiyo na nagpaalala sa amin na marami pang ibang paraan para matuto sa buhay, minsan mas marami ka pang matututuhan sa mga taong akala mo’y ordinaryo lang na nakasasalamuha mo sa araw-araw. At higit sa lahat, ‘di nasusukat kung kumpleto man o hindi ang kagamitan sa eskwela, ang mahalaga, pursigido kang matuto at iyan ang tatak COC!